Sunday, May 17, 2009

I needed that

Worst consultation ever! Grabe! Pinagtuunan ko ng pansin ung pagrerevise ng Chapter 1 ng documentation para sa design namin buong hapon. Kasama ko si Shid sa GS na nagrerevise! Sobrang isip ako kung ano ba ang dapat ilagay sa bawat parts. Kahit na sobrang antok na ko kakagawa ng Software Design namin, isip pa rin ako ng mga ilalagay sa documentation.

Design 2 na namin. Confident ako na maguiging maayos ang aming Chaper 1 sa sobrang pag-iisip namin ni Shid sa mga ilalagay namin dun. Hindi ko inexpect ang nangyari. NASABON KAMI! Grabe! Sobrang nakakaiyak yung mga sinasabi niya. I-relevant nga naman yung mga pinaglalagay ko dun sa paper namin. May iba pang kelangan suplyan ng tamang data na hindi nakalagay sa paper namin. Huhu. Parang umitkot ang buong araw ko kakagawa ng paper na yun tapos nasabon lang kami. Tama naman lahat ng sinabi ni sir. Kaya nga medyo masakit para sa akin. Down ako ng buong hapon na yun. Tinignan ko yung paper ni Edmund na walang comment si sir. Straight to the point sila at nakalagay lang dun sa paper nila yung mga related sa design nila. Galing.... ni Allan! Haha! chalk lang! lol.

Ayun, down na nga ako! Kaya dali dali akong umalis ng school para pumunta sa birthday celebration ng aking bff na si Dheziree! Nakita ko siya kasama ng aking iba pang matatalik na kaibigan! I was really really happy to see them. Noong nakita ko sila, naging maayos na ang mood ko. Sobra. Sila lang ang nagpapasaya sa akin ng ganito. Nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko kapag kasama ko sila. Maiihalintulad sa pag-inum ng alak pero walang tama. Saya lang ang dulot nito at walang hilo! haha.

Kaya naman sinamantala ko na yung time na kasama ko sila. Nakipag minggle ako kay Gelo. Tawa ng tawa. Patawa si Micah. Tawa tawa. Si Eidelle hindi makakalagpas ng SM Bacoor kasi nahihilo agad. Tawa tawa. Kapag nasa coastal road na siya, amy multa na siya kasi wala na siya sa Bacoor. Tawa tawa. Porma ni Cherry sa pics! Weeee. Ang mga sex stories nung ibang mga babae dun, medyo nkakawindang peru medyo sanay na sa ganun. Haha. Ang saya talaga kapag kasama ko sila! Salamat sa birthday celebration ni Dhez at nagsamasama ulit kami. Limot ang problema, may ngiti oang kasama!

Happy Bday Jejery (Dhez) (^^,) mwah!

No comments: